kulang pa din…

July 5, 2011 at 9:24 pm (Uncategorized)

sa pagkakalam ko naging mabuting ate naman ako, naging mabuting anak, naging mabuting tita, naging mabuting kaibigan, katrabaho, ka-chat. ka-text at ka-tropa… sa abot ng aking makakaya.. ginawa ko naman na kapaki-pakinabang ang sarili ko.. hindi naman ako pumatay, nagnakaw or nagbenta ng laman.. yun nga lang umibig ako sa maling sitwasyon.. gusto kong isipin na sa isang tamang lalake, kasi naging masaya naman ako.. at sa sampung taon.. naramdaman ko naman na minahal mo din ako.. bilang ako. pero sa totoo lang hindi ako sigurado kung hanggang saan umabot yung pagmamahal mo… ayaw kong mag-isip, kasi nasasaktan ako sa mga naiisip ko… isa lang naman ang alam ko, minahal kita ng buong buhay ko ng walang pagsisisi…

at sabi mo, ako ang buhay mo… naniwala ako. may mga pagkakataon na naaawa pa nga ako sayo.. at ipinaramdam mo na ako lang ang naniniwala sayo.. sa lahat ng mga nararamdam mo, hinanakit mo sa buhay, sa kabiguan mo, at maging sa tagumpay mo.

para sa akin naman, ikaw ang mundo ko.. hindi man kita madalas na kakampi sa hamon ng buhay na naranasan ko, naging inspirasyon naman kita para mabuhay.. at isipin na mabaet ang Diyos ng makilala kita… at kahit ganun, para sa akin isa kang matinding blessing, na para bang napakapalad ko at nakilala kita… kahit na may mga pagkakataong halos maubos ang luha ko ng dahil sa sayo.. na halos hindi ko na alam ang ibig sabihin ng sama ng loob dahil naging normal na para sa ating dalawa yun.. na hindi lang isang beses akong nakaramdam ng pagkabalewala… at minsan ko na din na ginustong sumuko.

pero mahal kita.. yun ang alam ko. kung kawalan ng respeto sa sarili ang mahalin ka, ano ang gagawin ko? kung ikaw mismo ang buhay ko.

marami na akong hirap na naranasan.. hindi lang isang beses na pinaiyak mo ko.. pero babalik at babalik pa din ang puso ko sayo.

at may mga pagkakataon, na lantaran mo na akong gawing tanga.. na sa pagaakala mo hindi ko alam ang nangyayari.. ang hindi mo alam, umiiyak ako sa lahat ng yun.

ginawa ko na naman ang lahat ng makakaya ko, sa paraang alam ko na ikakatuwa mo.. pero bakit kulang pa din?

may iba pa din…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: