mami-miss kita

July 8, 2011 at 6:00 pm (friends)

ethan hunt is my cyber-friend… a very cool friend, na pare pa ang tawagan namin. we’ve known each other for a couple of years already… maraming usapan na kaming pinag-daanan, seryoso or lokohan, current events, history, kwentong barbero, book reviews, movie reviews, kwentong parlor, asaran, yabangan at kanya-kanyang views..lahat yan napag-usapan na namin…

the past few days i had been very emotional.. and feeling ko talaga nag-iisa ako.. then we talked.. and i have imparted something very private na sa tingin ko hindi nya matanggap or hindi niya inaasahan.

ayun nagalit… wala daw akong kwenta 😦 i was somehow expecting that kind of reaction.. but i was also hoping na sana maintindihan nya ako.

and today nagpapaalam siya, na mawawala siya. pansamantala.. kung hanggang kelan, hindi ko alam.

basta wag ko na daw muna siya kulitin, for he is facing some serious problems too and he doesn’t need my kind of distraction.

i got sad. pero naintindihan ko siya. sana lang wag matagal ha…

till then pare.

Advertisements

Permalink 2 Comments

i’m fine

July 6, 2011 at 8:46 pm (Uncategorized)

i’m fine.

after a day of being so high in sadness and misery… after a long day of silence and waiting… i’m fine.

tinawanan mo lang lahat ng sinabi ko.. and for the nth time, naniwala na naman ako.

i was thankful enough that the anger had subsided when i talked to you… kaya effective ulit ang mga sinabi.

nag-peksman ka pa. at nag-promise pa. san ka pa diba?

kaya, i’m fine.

Permalink Leave a Comment

kulang pa din…

July 5, 2011 at 9:24 pm (Uncategorized)

sa pagkakalam ko naging mabuting ate naman ako, naging mabuting anak, naging mabuting tita, naging mabuting kaibigan, katrabaho, ka-chat. ka-text at ka-tropa… sa abot ng aking makakaya.. ginawa ko naman na kapaki-pakinabang ang sarili ko.. hindi naman ako pumatay, nagnakaw or nagbenta ng laman.. yun nga lang umibig ako sa maling sitwasyon.. gusto kong isipin na sa isang tamang lalake, kasi naging masaya naman ako.. at sa sampung taon.. naramdaman ko naman na minahal mo din ako.. bilang ako. pero sa totoo lang hindi ako sigurado kung hanggang saan umabot yung pagmamahal mo… ayaw kong mag-isip, kasi nasasaktan ako sa mga naiisip ko… isa lang naman ang alam ko, minahal kita ng buong buhay ko ng walang pagsisisi…

at sabi mo, ako ang buhay mo… naniwala ako. may mga pagkakataon na naaawa pa nga ako sayo.. at ipinaramdam mo na ako lang ang naniniwala sayo.. sa lahat ng mga nararamdam mo, hinanakit mo sa buhay, sa kabiguan mo, at maging sa tagumpay mo.

para sa akin naman, ikaw ang mundo ko.. hindi man kita madalas na kakampi sa hamon ng buhay na naranasan ko, naging inspirasyon naman kita para mabuhay.. at isipin na mabaet ang Diyos ng makilala kita… at kahit ganun, para sa akin isa kang matinding blessing, na para bang napakapalad ko at nakilala kita… kahit na may mga pagkakataong halos maubos ang luha ko ng dahil sa sayo.. na halos hindi ko na alam ang ibig sabihin ng sama ng loob dahil naging normal na para sa ating dalawa yun.. na hindi lang isang beses akong nakaramdam ng pagkabalewala… at minsan ko na din na ginustong sumuko.

pero mahal kita.. yun ang alam ko. kung kawalan ng respeto sa sarili ang mahalin ka, ano ang gagawin ko? kung ikaw mismo ang buhay ko.

marami na akong hirap na naranasan.. hindi lang isang beses na pinaiyak mo ko.. pero babalik at babalik pa din ang puso ko sayo.

at may mga pagkakataon, na lantaran mo na akong gawing tanga.. na sa pagaakala mo hindi ko alam ang nangyayari.. ang hindi mo alam, umiiyak ako sa lahat ng yun.

ginawa ko na naman ang lahat ng makakaya ko, sa paraang alam ko na ikakatuwa mo.. pero bakit kulang pa din?

may iba pa din…

Permalink Leave a Comment

July 5, 2011 at 5:46 pm (emo lang)

sometimes, i wanted to believe na you were just here out of comfortability.. now i really don’t understand it at all. just too much for me right now. i’ve done everything for us, the best way i could. i even love you more than myself. and i don’t regret it. kasi happy ako dun.. you’ve been good to me naman, i know you had tried so hard to keep up.. to show me how much you care.. pero bakit ganun? kulang pa rin ba ako para sayo? hindi pa rin sapat?

Please, that’s enough, that’s enough
Please, I’ve said this a million times before
And I’m sick

But all that I need
And all that I breath
And all that I care for is you

😐

Permalink Leave a Comment

still not enough

July 5, 2011 at 4:49 pm (emo lang) ()

i was under the illusion that i have already proven my worth… but for you it has been always not enough.. i have given-up one of the most important and life changing moment i had been waiting and dreaming for… i had to give up because it would be really unfair for the other person when i know i don’t deserve his affection and love because in my heart i know ikaw lang ang kailangan ko para mabuhay… lahat ng actions ko that involves you hindi ko pinagsisihan.. na kahit gaano ako katalo sa sitwasyon ikaw pa rin ang pipiliin ko..

maybe it’s time for to choose the right path, na kahit gaano kasakit… i have to be on the right track, on the right direction… because i truly believed i tried so hard just to be with you, no matter what… 10 years. and it was not easy… you might have no idea what i have been thru in that 10 long years… or did you even care enough?

akala ko, the past few days sobrang TH lang talaga ako.. yun naman pala dapat naman pala ako makaramdam ng kakaiba.

i don’t know how will you be able to explain this one. but one thing is for sure, i am hurting so much.

Permalink Leave a Comment