TH

June 29, 2011 at 6:57 pm (Uncategorized)

hindi ako war-freak na tao.. at nakakapag-pigil ako ng emosyon kung kinakailangan.. yun nga lang may ugali akong patola… pinapatulan ko ang mga maliliit na bagay na sobrang nakakapagpa-irita sa akin… hay.

lately, madalas akong magduda at makaramdam ng kakaiba, hindi.. hindi naman ako adik.. tamang hinala lang talaga.. at mas madalas kapag ako naghinala bibihira sumablay.. kumbaga laging 98% (yabang! hehe) pero totoo yun.. iba ang gut feel ko.. malakas ang intuition ko..

kaya lately din madalas ang ating pagtatalo.. syempre hindi naman talaga ako magpapatalo sayo.. alam mo yan. may pagkakataon na hindi ako kumikibo but it doesn’t mean na tama ka.. ang totoo na iirita lang ako sa mga alibi mo.. at kung hindi ako tatahimik baka bumulagta ka dahil nasipa na pala kita.

sabi mo, matulog ako ng maaga.. iwasan ko muna ang internet.. kasi kapag kulang ako sa tulog at puyat ako, ikaw na pagdidiskitahan ko.. at kung ano-ano ang niisip ko, so in short tingin mo sa akin paranoid.. galing mo din dude!

pero minsan may punto ka. puyat nga lang ako at tamang hinala. pero mas madalas kasi na tama ang hinala ko… kaya dapat nag-iingat ka. hindi kita tinatakot.. wina-warningan lang kita :p

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: