just happy & learning the make-up!

June 30, 2011 at 5:44 pm (Uncategorized)

happy ako… for the effort, i truly truly truly love it! 🙂 kahapon kung anong bwisit ang nararamdaman ko, masaya naman ako ngayon… and i get to see how hard you are trying to put up with me, with my tantrums, in your little ways 😀 and you just don’t know how much it really means to me.. naks.

last night i’ve decided na magpaka-steady na lang muna.. sa lahat ng bagay na may kinalaman sayo… kasi sa totoo lang nasisira ang inner peace ko pagdating sayo.. na pinaghihirapan ko ng bongga! at aaminin ko selosa talaga ako.. yun yata ang matindi kong kalaban 😐

pero as i’ve said titigilan ko na yang mga ganyang alalahanin… i would really learn na pabayaan ka sa kung ano man ang gusto mo ng hindi ako makakaramdam ng kahit na ano mang pagka-bwisit ng matindi… i know minsan selfish lang talaga ako.. pero ikaw din naman. kaya patas lang :p

and i’m praying, whatever we have right now, it would make us a better person.. i-enjoy na lang kita! 😀

——–

im not a solid kris aquino fan, but i like her (not just because, binasa nya yung tweet ko live! on national tv! hehehe). i like her wit and intelligence, but sometimes uber talaga siya sa kateklasahan! siya na talaga! her already! :p

what i’m enjoying about kris right now, is her new show.. kris tv! havey! 😀

today, they talked about girl things.. dress, make-up, emotions.. panalo! i’m more particularly amazed on the make-up tips.. ang nakakatawa pa nito i don’t wear make-up until just late last year.. i really don’t know how they works for ladies.. feeling ko noon ubos oras lang… ako kasi ang babaeng wash and wear.. promise. ni hindi nga ako naglo-lotion.. noon yun! hehehe as in im not really bothered at all.. ligo-deodorant-loose powder lang, ok na ako. i don’t even apply lipstick. naku mali ka, hindi ako pang-beauty queen. na kahit hindi ayusan gandang dyosa pa din.. wala ako nun! hehehe siguro lang im not just a type of girl na pang-make up.

but then i guess, nowadays we need to at least know how to apply simple blush-ons 🙂 kaya lang may violent reactions ang mga kapatid kong lalake, being the eldest ate and in 30s… “kung kelan ka naman tumanda, tsaka ka nag-apply ng mga ganyan-ganyan!”… mga hudas diba?!?! lakas makasira ng trip! hehehe

i just realize how important din to girls na mag-ayos at maglagay ng kung ano-ano sa mukha 🙂 not too much vain, yung sakto lang.. late bloomer lang teh?? hehehe

ah basta! magmi-make-up ako 🙂

Permalink Leave a Comment

TH

June 29, 2011 at 6:57 pm (Uncategorized)

hindi ako war-freak na tao.. at nakakapag-pigil ako ng emosyon kung kinakailangan.. yun nga lang may ugali akong patola… pinapatulan ko ang mga maliliit na bagay na sobrang nakakapagpa-irita sa akin… hay.

lately, madalas akong magduda at makaramdam ng kakaiba, hindi.. hindi naman ako adik.. tamang hinala lang talaga.. at mas madalas kapag ako naghinala bibihira sumablay.. kumbaga laging 98% (yabang! hehe) pero totoo yun.. iba ang gut feel ko.. malakas ang intuition ko..

kaya lately din madalas ang ating pagtatalo.. syempre hindi naman talaga ako magpapatalo sayo.. alam mo yan. may pagkakataon na hindi ako kumikibo but it doesn’t mean na tama ka.. ang totoo na iirita lang ako sa mga alibi mo.. at kung hindi ako tatahimik baka bumulagta ka dahil nasipa na pala kita.

sabi mo, matulog ako ng maaga.. iwasan ko muna ang internet.. kasi kapag kulang ako sa tulog at puyat ako, ikaw na pagdidiskitahan ko.. at kung ano-ano ang niisip ko, so in short tingin mo sa akin paranoid.. galing mo din dude!

pero minsan may punto ka. puyat nga lang ako at tamang hinala. pero mas madalas kasi na tama ang hinala ko… kaya dapat nag-iingat ka. hindi kita tinatakot.. wina-warningan lang kita :p

Permalink Leave a Comment

.. and today, it begins.. again.

June 28, 2011 at 6:04 pm (Uncategorized) ()

it’s always fun to read old thoughts.. yun ang masaya at masarap sa blogging, yung babalikan mo yung mga panahon na feeling mo sad ka, nag-iisa ka, depressed ka, at uber happy ka sa saya 🙂

nakakaloka lang, kasi when i re-read my entries, ang arte-arte ko hahaha.. hay ewan.. parang hindi ako.. iba nga talaga siguro kapag nasa blog ka..

and so as i promised, i will try to be more active in blogging churva again :p

kanina, i twitted a question to kris aquino regarding sen.chiz adobo-rice recipe during her pilot episode of kris tv! i was hoping for a reply since we wanted to try the recipe at home.. and to my surprise she answered me live on national tv! 🙂 yeah! hehehe wala lang, ang lakas lang ng aliw factor 🙂 because i was never expecting it, i was just hoping for a twit reply from her. after that laugh trip kami sa bahay, kapatid ko, ako at nanay ko, hahaha.. para kaming mga tanga :p ang jologs no, hahahaha.

i am officially registered member of cebu pacific, wala lang, trip lang hehehe.. as if naman magta-travel ako ng bongga, and i never been into a cebu pacific plane… laging PAL. oh well, this might mean a lot of travels soon?? sana .. 🙂

grabe, tindi ng peso fare ang airphil.. ang bilis ma-sold out, ayun wala ako nakuha 😦 sayang birth month ko pa naman sana yung travel date.. next time na lang!

and oh, im looking forward to a drinking session by friday, bahala na kung absent hehehe… im on pm shift, relax mode :p

and sana, transformer 3 by saturday! 🙂

Permalink Leave a Comment

i missed you!

June 27, 2011 at 7:15 pm (Uncategorized) ()

it has been like eternity since the last time i updated my blog.. my bad.. i had been thru a lot.. and i wasn’t able to write.. anyways.. babawi ako! 🙂 todo na.. promise! 🙂

na miss talaga kita blog ko! 🙂

Permalink 2 Comments