worthy candidate!?!? hmmm…

February 21, 2009 at 6:02 pm (Uncategorized)

wow!! ganito ang mga inspiring na horoscope! 😛

these kind of horoscope helps to raise your hope on areas you been wanting for so long hahaha..

just kidding hehe..

though its really nice to read this :-p

Permalink Leave a Comment

baguio trip

February 21, 2009 at 5:33 pm (Uncategorized)

i went to baguio last feb.7 to 9 to attend a wedding, it was nice and fun.  yun nga lang feeling ko sobrang dami na ng tao sa baguio as in sobrang crowded na, not sure if its because of the weekend.  hindi pa naman panagbenga kasi na move ng March, so talaga madami lang sobrang tao.

kakagala ko last weekend eto paos na naman ako at may sipon at ubo (yuck!) sobrang lamig kasi.  pero ok lang, enjoy naman eh.

we went to usual places na pinupuntahan sa baguio, like mines view park, camp john hay, the mansion, PMA, burnham park, botanical garden, the churches.

as usual the flowers are still beautiful, pero hindi na magaganda ang mga places.  puro bahay na.  sa mines view park nga puro bahay na yung bangin, ka-loka.  at yung botanical garden mukhang hindi botanical garden, mas ok pang tawagin na botannical garden ang PMA sa dami ng flowers nila..

its my 4th time sa baguio so i kinda compare the places everytime im here.  and i realized kung gaano na ka-crowded at polluted ang bagiuo, sayang.

but the area on the camp john hay is still ok, i think that’s where the elite resthouse is located, maganda ang neighbourhood and hotels.  unlike on the burnham park area medyo masikip na.

ang pangit tingnan ng bundok na puno ng bahay, with all shapes and colors plus mga sinampay!!

pero sa gabi when the lights are on magandang tingnan ang mountains with houses and their lights.

first time ko din mag-bar hopping sa baguio, at nakakaloka ang mga crowd pabata ng pabata (or matanda na talaga ako??) hehehehe…

so we end up in padis point kasi dun lang medyo ok ang crowd, pangit naman ng banda.

lahat na pinintasan ko hehehe…

but all in all ok naman ang trip namin, i had the time to get away from my hectic work!! yun nga lang paos ako pagbalik hehehe.

ME @ BAGUIO PLACES

Permalink 2 Comments

pihikan

February 5, 2009 at 9:41 pm (Uncategorized)

pihikan. or choosy sa english. these words have negative vibes, don’t you think?? diba kapag sinabihan ka na ikaw ay isang pihikan, normally it would always have a negative arrive, its either masyadong mataas ang taste at standard mo or talagang maarte ka lang hehehehe..

kapag sinabi nating pihikan, its either sa mga bagay-bagay na pangangailangan sa buhay like pagkain, damit, jewelries, pwede rin sa pagpili ng friends at syempre pa kasama dyan ang LOVELIFE.

yesterday i had this argument with an online friend. sabi nya.. “masyado ka kasing pihikan..”

what??? ako?? pihikan?? kelan namam nangyari yun??

just because a person don’t have a lovelife or a bf or a gf doesn’t make a person a pihikan or choosy. agree??

eh diba hindi mo naman pwede pilitan ang sarili mo sa taong available at nasa harap mo lang kasi that would be unfair for both of you. unang-una kawawa ka, pangala kawawa cya. oh diba nakakaawa kayo, lol.

i know na pwedeng ang taong nagmamahal sayo ay biglang mawala kasi hindi mo pinapansin or magsawa sa kakahintay na mahalin mo rin in return, pero may magagawa ka ba kung wala talaga? pwede kang magkunwari pero hindi mo maloloko ang sarili mo.

what if, you committed yourself to someone who is available because you thought that is the right thing to do kahit ndi mo mahal, and then suddenly you’ll meet someone na sure ka na you want to spend the rest of your life to be with her or him eh kaso lang committed ka na?? diba mas mahirap yun.

kaya hintay na lang kung sino ang taong ibibigay ni Lord. Walang pilitan ika nga. Kung walang dumating eh di wala. Baka nasa ibang planeta pa, lol.

some would say “baka maiwan ka na ng biyahe” kakahintay mo sa jeep, pati train lumagpas na, pati na rin space ship.

saklap naman.

eh paano pala kunmg naka-bike lang yung taong para sa akin kaya ndi pa dumadating hehehe.. or naglalakad pala cya kasi he too is making sure of every step he’ll make towards me. oh diba ang sweet hehehe.

kaya hintay lang. or pwede din, nasa tabi-tabi na pala at talagang nag-iinarte lang tayo hehehe.

i always believe that we don’t have to settle to something because pwede na.. pwede ng pagtiyagaan at pwede ng pag-aralang tanggapin.

at malakas ang paniniwala ko na bawat isa sa atin ay may kapareha na sadyang para sa atin lang.

wag magmadali at wag mainip, baka na-trapik lang yun, or na-flat ang gulong 🙂

or malay mo nasa kabilang kanto na pala at padating na 🙂

or nasa harap mo na pala pero sadyang tanga ka lang 🙂

pero kung 75 years old ka na at wala pa cya, malamang pagong ang hinihintay mo 🙂

happy valentines! 🙂

Permalink 4 Comments