dyosa!!

January 7, 2009 at 10:07 am (Uncategorized)

girl power! hehehe nakakatawa ang post na to, well im not 100% agree to this parang masyadong feminist ang arrive.. but then nakaka-aliw basahin, i-share ko lang napulot ko sa hotmail inbox ko… GO GO GIRLS!! read on…

PARA SA MGA TANGANG LALAKE AT MAGAGANDANG BABAE TULAD NATIN (kung maganda ka nga talaga!!!)

Before, hinahabol kita pero di mo ako pinapansin. Tapos isang araw nawala ako, hinanap mo ako at tinanong, “Bakit ka nagsawa?” Ngumiti ako, “Hindi ako nagsawa. Natauhan lang.” Pwede mo kong lokohin pero wag kang magpapahuli sakin. Pwede mo kong palitan pero siguraduhin mong mas mahal mo siya sakin. Pwede mo kong iwan pero siguraduhin mong kaya mo. Kasi pag ako sobrang nasaktan, wala ka nang babalikan.

Ang Boys? Pag trip ka, magpapakilala. Kaibigan kuno hanggang pumorma na. Tapos pag nahulog ka na, ayun, goodbye na dahil sawa na sila. Pero dapat walang iiyak at smile lang tayo. Punyeta, anong silbi ng karma?

I fell in love and got hurt but I didn’t shed too much tears nor did I ask him to love me again. Instead, I stood up proudly and said, “Ganyan talaga ang magaganda! Hindi bagay sa tanga!”
Simple lang para hindi ka masaktan. Kapag minahal ka, mahalin mo din. Kapag ginago ka, gaguhin mo rin. Pero kapag umiyak ka, tanga ka! Ginago ka na nga, iiyakan mo pa? Pag iniwan ka ng mahal mo, wag mo siyang sisihin! Kausapin mo siya ng harap-harapan at sabihin mong, “Ingat, tanga ka pa naman!” Masakit pag iniwan ka ng mahal mo. Pero wag kang magagalit ng husto. Kahit papano may pinagsamahan naman kayo, diba? Kaya for the last time yakapin mo siya at ibulong mo, “Gago, kukulamin kita!”

Girls, talo daw sayo sa mga boys? Papayag kayo? Sige, pag niligawan tayo, sagot agad. Pag iniwan tayo? Ok lang. Kapag sinabi nilang, “Uy, ex ko.” Alam niyo sagot diyan? “Ay, ambisyoso.”
If the one you love doesn’t love you back, don’t get depressed. Just think about it for a while, maybe cry a bit then wipe your tears and say, “Ang weird naman niya. Di siya pumapatol sa magaganda!” You only got one life so live it well., one heart so take good care, one soul so keep it pure. One boyfriend? What a waste! Make it two or more! Sayang ganda natin!
Pag sinabi sayo ng mahal mo na ayaw na niya sayo, hayaan mo lang. Wag kang iiyak at magpapakagago! Imbis na iyakan mo siya, ngitian mo lang at sabihin mo ang ganito, “So, pano? Bye na! Naghihintay na ang kapalit mo!” Who cares about break-ups? Oo nga, masakit. Makirot sa puso. Pero tandaan mo: a break-up isn’t only an end to a relationship. It’s also a beginning of a new one and an end to a living hell called “ex”.

“Ayoko ng magmahal ng mortal.

Gusto ko ng isang diyos.

Para sa isang diyosang tulad ko.”

ako gusto ko mortal pa din ang mamahalin ko kahit na ilang beses pa akong nasaktan, ok lang yun. ganun talaga ang buhay diba, no one ever said that life would be easy.. and we all know that life is truly unfair. but the thing is, we still can enjoy life even we feel pains and we encounter failures.. ganun lang talaga ang life, minsan kailangan natin masaktan to appreciate more what is true happiness means.

oh well, hindi naman sa nagpapapaka-positive feeling ako hehe, kaya lang jan 2009 pa lang, parang its too early to feel depressed and sad. tsaka na yang mga lungkot na yan, magpakasaya muna tayo para naman all year round to the highest level ang energy natin!! ^_^

at hindi lahat ng manloloko ay lalake lang, aminin natin maraming babae din ang kayang manloko hehehe.. kaya girls, imbis na umiyak, gumanti na lang!!! LOL!! ^_^

Advertisements

3 Comments

  1. dong ho said,

    sana hindi ako mabiktima. hehehe…

  2. dennis villegas said,

    Hi Jhenny, Long time no hear! Lumipat ka na pala from blogger to wordpress. Funny post, indeed, but there are a lot of truths in there 😉

  3. dodong flores said,

    OMG! Nakakatakot naman iyang email na na-receive mo. Pero hindi oobra sa akin yan kasi tapat naman ako sa asawa ko 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: