astig!

May 13, 2008 at 4:27 pm (Uncategorized)

USAPANG TEXT:

got this message from sis today.. just a forwarded message.. cool! 🙂

malulupet na lines:  :p
— “geometry ba ang fave subject mo?  kasi kahit anong angel ang cute mo.”

—  “alam mo ba na scientist ako?  kasi ikaw ang LAB ko”

—  “ano ang height mo? Pano ka nagkasya sa puso ko?”

—  “ang galing mo siguro sa puzzles, kasi umaga pa lang, nabuo mo na araw ko”

—  “hindi tayo tao, hindi tayo hayop.. BAGAY tayo”

—  “bangin ka ba?   nahulog kasi ako sayo”

—  “im a bee, can u be my honey?”

—  “my license ka ba? coz’ your driving me crazy!”

—  “pagod ka na ba?  kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko”

hahahaha.. hanep sa mga lines! yan ang astig! hehe… grabe natawa ako ng malakas ng mabasa ko yan.. pwede diba?? hehehe…

—-

USAPANG TV:

nakita nyo na ba yung bagong commercial ng mcdo?? yung sa grab and go breakfast nila??  grabe ang astig! hahahaha.. sus akala ko nga commercial ng candy kasi may resemblance ng idea sa kopiko candy yata yun.. pero mas malupet yung sa mcdo hahaha, kumpleto.. mula sa  kape, ketchup, mesa at may sangkalan pa ng mesa hahaha.. grabe. nakakaaliw.

scene:  nasa loob ng bus, siksikan at may mga nakatayo din, nakaupo ang guy sa three seater may katabi cyang girl at isang manong sa dulo ng upuan na natutulog.

1st:  binuksan ni guy ang bag kumuha ng tasa sabay labas din ng lalagyan ng coffee, isinalin sa cup sabay yung cup pinahawak sa lalakeng nakatayo sa gilid nya at yung lalagyan ng kape sa isang lalake ulit na nakatayo sa loob ng bus.

2nd: kuha ng breakfast sa loob ng bag (rice, egg, hotdod) na nasa plate pa ha, then kuha ng ketchup sabay nilagyan ang plate na may breakfast  tapos pinahawak yung ketchup sa girl na katabi nya.

3rd:  ginising si manong na natutulog sa dulo ng upuan na may checkered na red polo hahaha, pinadapa at ginawang mesa, eh gumagalaw si manong kumuha yung guy ng papel sa bag nya sinangkalan sa kamay ni manong para hindi umuga hahahaha.

very funny.  ang galing ng nakaisip ng commercial to.  tiyak papatok ang grab and go breakfast ng mcdo hehe. very witty. 🙂

Advertisements

Permalink Leave a Comment